MAHAL NAMING PANGULO NG PILIPINAS,


Kami po ay mga tauhan sa BOC na gusto ng pagbabago. Paki-imbestigahan na po ang mga nangyayaring anumalya dito dahil lubhang napakalakas ng “resistance” ng mga taong dating kumikita ng limpak limpak na salapi (at ngayon ay unti-unti ng humuhupa ang kita). Sa kagustuhan nilang ibalik sa “dating gawi” ang nakasanayan ng corruption, walang humpay ang demolition jobs laban sa mga myembro ng Reform Team na iyong itinalaga sa BOC. 

Ang mga sumusunod na personalidad ang dapat suriin, matingnan at ma-imbestigahan sa ngalan ng tunay na reporma at pagbabago:


1. Leopoldo “Babes” Calixto
2. Engr. Cecil Fabian
3. Director Corazon Azania
4. Raquel de Jesus of GSD
5. Engr. Benjie San Jose of ISJ Builders
6. Ruel Pantaleon
7. Renato Garcia (mother unit GSD, laging wala at madami transaksyon sa POM shipments, ginagamit pa ang GSD Office at Motorpool para sa mga transakyon ng shipment)
8. Mr. Agusto Decripito ng GSD 
9. Ms. Irene Reyes (na dating bagman ni Azania) ng ADMIN
10. Alfredo Palma ng Accounting
11. Jun Crisol ng Budget
12. Jun Holgado na pamangkin ni Azania na humahawak ng Accountable Forms ng BOC (sya ang may ari ng private printing office kung saan naka kontrata ang BOC dati)
13. LTC Saplala ng BOC canteen (retired customs police)
14. dating Depcom JUAN TANADA ng IAG
15. Gay Balite ng GSD (examiner sa POM pero GSD ang mother unit)
16. Linda Lazaro ng HR 
17. Elmer Belsa ng GSD
18. Cresente Andrade ng Motorpool
19. Babylyn Co  (mother unit GSD pero lagi sa POM as secretary ng Examiner)
20. Mr. MICHAEL BACANI ng COA, dating assign na COA sa BOC
21. Miguela Baon ng COA na hindi na updated sa procurement law kaya kung anu-ano ang hinihingi na requirements na dagdag abala sa trabaho, at nakaka destruct sa prosesong tama, nade-delay tuloy ang ibang projects. pati ang pagka procure ng Altis kinuwesyon nya na bakit sa PS… wala na kase SOP ngayon na lagay-lagay.
22. RADIAL Company na may hawak ng Captain UFOC na barko
23. ALERT company
24. “Bong” ng ESS
25. Jo Abundo ng Budget


FINDINGS AT BOC

1. MINOR REPAIRS 

For as long as there are more repairs to be made and leaks to fix, they have a source of interior renovation projects.  They would work on the repairs, patch the leaks, flip over and paint the plywood from the ceiling, and make an easy PhP 1.8 million.




When repairs were needed, this process would follow:

Babes Calixto would come to an office to offer to repair it, an overnight job.  He bragged that it would all be done like magic. His magic words (with wits and charisma) would convince you that the office would be like as good as brand new.  Because the space did need repairs, agreements would quickly be made even without full understanding of the work or cost involved. A BAC resolution for negotiated procurements under section 53.2 emergency cases would be filed.  Three bidders would join the negotiation, each passing their bids with only a thousand pesos' worth difference between them.  Engr. Fabian and the BAC members would sign off on the bids and take care of the documentation.   This would take time. When questioned, all they would say was that the documentation was with Mr. Calixto.


LOCATION:  TAX EXEMPT OFFICE, Second Floor OCOM Building, South 
Harbor Port Area Manila

PROBLEM: Leaks at roof for almost two years
Solution ng mga taga GSD? palitan ang bubong at kisame.

Director Lejos hired an engineer as part of the reform team to resolve some admin and construction gaps.  To further assess the problem before making the purchase of the materials requested, the reform team found out that there was a clogged downspout at the top of Tax Exempt Office. They tried to de-clogged the downspout using plehe but it cannot penetrate totally just to find out that there were bottles of drinking water inside the downspout. Bakit nilagyan ng mga empty bottles ang downspot? Para masira ulit kaagad? At lumaki ang sira ng husto para milyon na naman ang next budget nito sa repair?

The problem was addressed correctly. After restoring the downspout there were no more leaks. 

Isa pa lang ito na halimbawa ng mga depekto ng minor repairs. 

POM 4th floor legal division
- They repaired the interior of the entire 4th floor and patched its leaks.  After a year, the leaks returned, the ceilings fell apart and the windows also leaked. 

These are only examples of the maintenance repairs done.


2. INFRASTRACTURE PROJECTS CY 2013


Findings: 

1. Ginagawa muna ang project to follow na lang ang mga documents, (tama ba naman ito?)


EXAMPLE:  

1.1 Project: Provision of Permanent Office for the Tax Credit Secretariat located at the Ground Floor, RAD Building, Old Tennis Court

Mode of Procurement: Negotiated Bidding

Naumpisahan na ang paggawa ng mga foundations, columns at CHB wall na wala pang notice of award, contract at Notice to Proceed. Hindi natuloy ang project dahil wala palang pondo para sa mga new constructions. Galit na galit ang contractor at sindikato sa GSD.

2. Projects for Repair and Renovation for CY 2013 based on the submitted summary of contracts amounted to Php 155,795,578.19 for 104 projects. This amount is for repair only not for new construction. (Attachment A)

All repairs/projects were in alternative method of Procurement using Negotiated Procurement under Sec. 53.2 

“Emergency Cases. In case of imminent danger to life or property during a state of calamity, or when time is of the essence arising from natural or man-made calamities or other causes where immediate action is necessary to prevent damage to or loss of life or property, or to restore vital public services, infrastructure facilities and other public utilities. In the case of infrastructure projects, the procuring entity has the option to undertake the project through negotiated procurement or by administration or, in high security risk areas, through the AFP”

Sa totoo lang, ang nagpaparepair o renovate ng mga offices at kahit ang bumibili ng mga aircon at computers ay ang mga empleyado mismo ng customs. Sila mismo ang nagpapaganda ng opisina nila. Tapos ang ginagawa ng sindikato ng IAG, pinapapirma lang ang mga empleyado o forged ang mga end user certification dahil may pondo naman na nakalaan para sa mga repairs na ito. Hindi ito alam ng mga end user o empleyado. Kalimitan pa nga, ang mga appliances at furnitures ay bigay ng mga kaibigan ng mga empleyado na importers o brokers. Wala kase interest ang mga empleyado sa pondo ng BOC, hindi nga alam ng mga customs police dati na may budget pala sila para sa sapatos ng mga pulis. Ang admin lang at budget ang nakakaalam nito at syempre pa ang COA at commissioner. Kaya hindi mo masisi ang mga empleyado na kapag nalipat na sila ng assignment, lahat ng gamit na sya ang nagpundar ay dala nya sa bagong lilipatan. Pati aircon computer printer ultimong wire ay dadalhin nya ito at hindi sya pwede makuwestyon ng GSD dahil hindi naman talaga government property ang kinukuha nila. 


3. GSD had 10 accredited contractors but only three of them got the most number of projects and only these contractors entered into these projects

Projects for CY 2013 

1. ISJ BUILDERS & DESIGN 42 projects 
2. Cambros Construction 23 projects
3. MSG Construction 18 projects
4. OEM Builders 9 projects
5. TRM Construction 6 projects
6. RFN Construction 2 projects
7. JEMN Builders 1 project
8. Armal Construction 1 project
9. JEI Constructions 1 project
10. MC Goemetric 1 project

Paki check na rin po sa BIR kung tama ba ang binabayaran ng mga ito na tax. (Attachment B – binayaran lang na tax ni ISJ versus sa list ng projects na binayaran sa kanila ng BOC)

4. Repairs na naisagawa pero hindi pa nagagamit (wala lang! para may project lang.)

Project: Renovation of Unisys Office and Provision of two units comfort rooms at 3rd floor, CRIC Building (nakasara lang at hindi ginagamit ang plano kase dati gagawin itong opisina ng contractor kaya inayos ni ISJ pati ang CR kase magiging office daw nila, nang dumating ang reform team, STOP lahat ng project dahil wala sa ayos ang documents ng procurement, walang bidding at may question kung bakit ginamit ang “emergency case” at arranged bidding)

Contractor: OEM BUILDERS  (kay engr san jose din ng ISJ ang  contractor na ito)

Project Cost: P 1,869,801.95

*Two sets of public CR made for female/male at second floor ESS building
*Comfort room at ICARE POM building enclosed and no access doors
at marami ang iba….


5. Projects accepted by Engr. Fabian and one by Babes Calixto (even Job Order lang si Calixto ay nakaka pirma sya at pumipirma sya as END USER) 
(may sira agad wala pang isang taon and overpriced)

a. Project: Renovation of Garments Division and Provision of two units comfort rooms and built in cabinets at 2nd floor POM building

Contractor: OEM BUILDERS
Project Cost:  P 1,562,126.39
Problem: Tumutulo sa ground floor (PPA-PRMCC Office) at nagkasunog ang wire dahil sa ginawang bagong CR sa second floor from Garments Division

b. Project: Repair/Replacement and Provision of Trenches for clogged sewer and drainage system at ESS Building 

Contractor: ISJ Builders & Design
Project Cost: Php 1,104,273.00
Problem: Hanggang ngayon clogged pa rinang sewerage line 

c. Project: Repair of Roofing at the OCOM Building

Contractor: Cambros Construction
Project Cost: Php 1,660,738.80
Problem: Lahat ng area tumutulo pa rin sa second floor

d. Project: Repair/Replacement of the leaking roof, downspout and concrete gutter at the Old NPO Building

Contractor: ISJ Builders &Design
Project Cost: Php1,890,270.00
Problem: Tumutulo pa rin sa second floor

e. Project: Repair of Legal Service Rooms at 4th Floor, Port of Manila

Contractor: Cambros Construction
Project Cost: Php 1,634,889.80
Problem: Tumutulo lahat ng mga windows, umaamoy ng mabaho ang mga bagong gawa na CR

6. Overpriced projects

a. Project: Provision of 3 sets of comfort rooms at the One-Stop-Shop, Bauan, Batangas 

Contractor: ISJ Builders & Design
Project Cost: Php 1,537,631.00

b. Project: Refurbishment of the 2nd floor hallway located at the 2nd floor, OCOM Building

Contractor: Cambros Construction
Project Cost: Php 1,800,363.75

At marami pang ibang projects na overpriced.

7. SAMPLE OF THE PROCEDURE in PROCUREMENT of INFRASTRACTURE Projects that these Admin Culprits did in the past:

Sample project: Repair of Dilapidated flooring tile and its affected area at Bonds Division, Ground Floor, Port of Manila building

Contractor: JEMN BUILDERS
Project Cost: Php 1,369,862.00
Floor Area: 375 sq.m.
Contract Duration: 30 days 


7.1 End user requested for the repair in their area/office (even there was no APP)
7.2 The GSD (Engr Fabian) endorsed the requested repair to the Administration Office (Director Azania)
7.3 The Admin Director recommended the endorsement
7.4 The FMO Director certified that there were funds available
7.5 The Deputy Commissioner for IAG (TANADA) approved the project.
7.6 The BAC facilitated the “negotiated procurement” under SEC 53.2, pro forma BAC Resolution
7.7 Three bidders passed their bid proposal with only one thousand pesos difference each (obvious collusion)
7.8 The BAC made an abstract of quotation and awarded the contract to the lowest bidder
7.9 The notice to proceed was issued and received by the contractor 
7.10 After 5 days from the issuance of “notice to proceed” the projects were already (astonishingly) reported as 85% complete and thereby payment was made the next day for 85% completion of work

(5 days pa lang na issue ang “Notice to proceed”, gawa na agad? At bayaran na agad ng accounting ang mga contractors?)

7.11 Tapos o hindi, Engr Fabian would write a certification na 100% complete na ang project.  

(Kumbaga, ang siste, kung ngayon araw ang pag issue ng NOTICE TO PROCEED, after 5 days daw ay 85% complete na ito para gumulong na ang pera at makapaglagay na sa dapat lagyan, at sa end ng duration ng project tulad ng 30 day-duration, sa ika-30 day naman mag issue si Engr. Fabian ng 100% completion ng project.)

mas mabilis gawin ang project within 5 days (85%) pero from ika 6th day to 30th day ay 15% na lang. may construction po ba na matapos ang 85% in five days?

8. There are no personnel maintaining the electrical rooms, generator sets and the building itself. All maintenance and repair were automatically endorsed to a favored contractor.  

9. There is no building engineer or maintenance restricting and correcting the tapping of the electrical connections, plumbing connections, air condition drain connections causing all the problems of leak, fire and damaged to the public property. 


10. The building engineer and personnel are not technically equipped to maintain the building premises. They are relying on the contractor’s assessment. 

11. Repairs were not made only interior renovations. They destroyed the façade of the historical POM building. Problems of leaks were not addressed and were not solved. 

Additional facts:

1. BOC receipts 

- Naabutan ng reform team na ang resibo ng BOC ay iniemprinta ng isang private na company at walang proper procurement procedure under RA 9184 at ang may ari (o front lang) ng imprentahan ng resibo o BOC Accountable Forms ay kamag anak/pamangkin ng dating Director na si Azaña. Just recently, nahulihan ang isang empleyado sa NAIA na nagbebenta ng pekeng resibo, saan kaya galing itong mga resibo na ito? Ang humahawak ng accountable forms ng BOC ay ang GSD at pamangkin mismo ni Azania. 
- Noong last week ng November, ipinatawag si director Lejos sa NBI upang harapin ang isang reklamo na si Director Lejos daw ay may pinapaboran na private company na nag-i-imprenta ng resibo ng customs. Kaya sinagot nya naman ito na noong dumating ang reform team ay sa kamag-anak ni Azana ang imprentehan ng resibo ng BOC kaya ang ginawa ni director Lejos ay pinatigil nya ang pag order ng resibo dahil mali ito. Sa halip, ang ginawa ni director Lejos ay ang “agency to agency procurement” sa National Printing Office. After nyang humarap sa NBI? Hindi ba tama na imbestigahan ng NBI ang nagsumbong ng mali? At dapat imbestigahan si Azania kung ano ang relasyon nito sa may-ari ng private printing office. Kumilos ba ang NBI?


2. Babes Calixto, Eng’r. Fabian at Eng’r Benjie may ari ng ISJ Builders.

- Ang mga taong ito ang gumagawa ng projects for repair sa BOC. 
- Babes Calixto, sya ang pupunta sa office na kailangan irepair, mangarap ka lang daw at pag gising mo maganda na ang opisina mo. Nag quote ng pagpapaganda sa opisina ni depcom dellosa nung 2013, nung malaman ni dellosa ang halaga ng renovation, tumanggi na lang si depcom dellosa at nagsabing pagta-tyagaan na lamang nya ang kundisyon ng opisina na dinatnan nya dahil maayos pa naman ito kesa i-tolerate ang ginagawang racket ng mga taga Admin.  Si Calixto din ang kinakausap kapag may gustong ma-promote o di kaya ay ma-transfer sa ibang lugar o pwesto. May halaga ang bawat posisyon sa BOC, at ang nag-upo sayo dito ay kailangan mong bigyan ng quota/tara weekly. May mga personal drivers pa si Calixto naka pasok bilang contractual sa IAG. Marami rin ‘ghost contractuals’ na hindi naman nakikita sa BOC. Pati ang tumatayong secretary (bata ni calixto) sa satellite office ng OMBUDSMAN na malapit sa CIIS ay nakapasok sa payroll ng ALERT (kumpanya ng janitorial services na dinatnan na at matagal na sa BOC) Nawala lang ito nung nag “on the spot” accounting at head count si Director Lejos. Pati janitorial services na dapat may bidding din? Kanino ba ito? 
- Si Calixto din ang nangangasiwa ng hiring sa boc kaya naman puro kamag-anak nya ang nasa customs at mga kamag-anak ng taga HR.  
- Hindi pa rin makapaniwala si Depcom Dellosa na 1.8 Million na pala ang halaga ng repair na ginawa sa dating opisina ng IG na halos wala namang ginawang repair at hanggang ngayon ay puro daga at puro anay pa rin.
- Sa repair naman na ginawa sa Legal Division, nagtanong ang mga abugado dito kung bakit Coco Lumber ang ginagawang kahoy na pamakuan ng mga plywood na pang dingding? Nagtitipid? 
- Eng’r. Fabian, sya ang representative, taga accept ng gawa dahil sya ang organic na engineer na nag-cecertify kung nagawa na at kung natapos na ang isang trabaho.
- Eng’r. Benjie, in house contractor na may sarili pang opisina sa loob ng BOC.
Sya ang contractor ng mga project for repair sa BOC.  Pwede ba maglagay ng opisina ang mga contractors sa loob ng BOC? Para libre tubig at kuryente at kung sino sino pang boc outsiders ang labas pasok dito?  Si engr benjie ay doon na rin natutulog at halos nakatira sa BOC? Kahit noon ay front lang sya ni calixto as construction company owner, nagkaroon na ito ng resort sa Zambales, Volvo at BMW, restaurant-resort sa batangas at marami pang iba. Kung ang dati lang na front ni calixto ay ganito na kayaman at nagkamal ng napakalaking pera dahil sa sindikato ng admin sa loob ng BOC, how much more pa kaya ang nakuhang pera ni babes calixto sa tagal nya bilang contractual sa BOC?

Nang pumalit si Depcom Lachica as DEPCOM ng IAG, pilit kinukuha ni calixto ang loob nito at nag attempt pa ito na suhulan ang bagong depcom. Ngunit hindi sya umubra kay Depcom Lachica. 


3. NPO Storage repair 

- Second floor storage room for POM-COA, ginawa ng ISJ Builders in 3 contracts. Repair ng second floor, repair ng mezzanine at repair ng bubong total of almost 5 million. Until now hindi pa rin nagagamit ng COA at nagpaparepair pa uli para magamit ng POM-COA. (splitting ng contract)


4. San Fernando La Union  

- Extension of office, puro crack ang second floor slab at wall. Hindi pa nagagamit ng San fernado district ay condemned na agad. Dahil questionable ay wala ng makitang papel kung paano ito nagawa. No documentation, walang trace paano nagawa at sino ang gumawa, pati mga empleyedo walang alam. Panahon nila babes at tañada daw ito. (Attachment C – pictures of cracked building)


5. Mrs. Saplala  

- Dating naka tap ang kuryente at tubig sa BOC, wala syang binabayaran sa boc. walang renta ang cooperative na canteen sa POM pero nagpapaupa sya sa mga private ng commercial space sa loob ng canteen tulad ng Xerox, tindahan, deliverance atbp. Cooperative ang canteen pero mahal ang mga paninda, walang proper ventilation ang lugar at bagsak sa hygiene at sanitation ang place. Sya ang may ari ng biscofi sa anak nya lang ito nakapangalan. Naka tap din ang ilaw at tubig sa mga appliances na mabibigat ang konsumo, lately na lang ito nagkaroon ng sariling kuntador ng ilaw at tubig ngunit hindi pa rin maseguro na ang mga linya ng kuryente ay wala ng naka tap sa boc.  Ang kontrata nila ay si racquel na taga GSD lamang ang pumipirma. Galit na galit ito ng mabalitaan na pwede sila paalisin sa kanilang pwesto para maipa-bid ng maayos sa ibang interesado ang paglalagay ng pwesto sa loob. Katwiran ng IAG new management ang mahal ng tinda, mainit ang lugar at hindi maayos ang service. Inutusan pa si director lejos ng depcom ng AIG na dalhin si Saplala sa canteen ng DBM para maikumpara ang kalinisan nito, kaayusan at sa pagkakaroon ng mababang presyo na angkop lamang sa sweldo ng isang government employee. Dahil sa babala ng IAG na maaari na itong ipa-bid sa darating na taon, pinapinturahan na ito ni saplala at ibinaba ang presyo ng certain commodities, pero pag ubos na ang prepared value meal wala ka ng mabili na mababang price na pagkain. Kaya pag pumunta ka ng ala una ng hapon at late kumain ng lunch, dating presyo na ang paninda nito. Ang pangamba ngayon ni saplala ay pagpirma nya sa bagong kontrata dahil nakasaad dito na once na ipa-repair ang buong NPO building ay maalis ang biscofi. Ito ay  dahil sa may nakatalagang isang pwesto na para sa kainan/canteen na ipapa-bid sa mga interesado. Kaya walang humpay ang aksyon nito sa mga demolition jobs at text brigade efforts laban kay director lejos at marami na rin itong kinakausap para hindi matuloy ang nasabing pag repair ng NPO building. 
- Marami din nagtatanong bakit mas mataas ang bayad sa renta ng CONREST restaurant kesa sa renta ni Mrs. Saplala sa biscofi, dahil ba mas malakas si saplala kay Raquel ng GSD? O dahil sa backer nito at relasyon sa isang past boc commissioner na hanggang ngayon ay isa na ring importer?

6. Usap usapan sa BOC 
- Isang sindikato daw ang binabangga ng bagong IAG sa loob ng BOC lalo na sa mga kuryente at procurement. At ang sindikato na yon ay kinapapalooban nila engr Fabian, benjie at calixto. 

7. Nag-Inspect ang IAG at ang bagong hepe ng RMO sa dating generator room na naging kolorum na opisina at tirahan ng isang empleyado ng RMO at ng mga hao shiao mula sa ibat-ibang opisina ng BOC. May CCTV pa ito sa labas ng pinto. Pinaalis ng dating Depcom IAG ang mga nakatira dito dahil ito ay ginagamit para sa transaksyon ng mga empleyado na humihingi ng tara lingo-linggo (Attachment D –pictures of broker employee transaction) Hawak naman ng sindikato ng GSD ang pag tap ng kuryente at tubig ng mga rooms na kagaya nito kaya sila naman ang naniningil ng bayad/koleksyon sa kuryente at tubig lingo-linggo din.  Kumbaga kahit ang boc ang nagbabayad ng tubig at kuryente ng buong BOC, lahat naman ng kolorum na opisina at tulugan ng empleyado ay sinisingilan ng GSD. May resibo ba? Wala syempre. May nagreklamo ba? Wala kase “sisiw” naman ang konting koleksyon sa tubig at ilaw na para sa GSD sa laki ng tara na kinukulekta ng kolorum offices na ito.

8. Mga empleyado ng GSD, nakatira sa motorpool pati ang dating taga CPRO nong bumalik sa BOC, sa motorpool na rin nakatira. Ang mga taga GSD ay Magta time in lang sila sa GSD tapos aalis na. Hindi mo na sila makikita sa GSD, lagi sila sa motorpool nakatambay at yong iba ay sa POM pumupunta at umaakto bilang mga examiner. Kapag absent sila sa isang araw, kinabukasan na pumasok isusulat ang pangalan nya sa araw na absent sya para complete attendance pa rin sila. 

9. Mapping at NPO building. Karamihan ng mga offices sa NPO building ay hawak ng mga kontraktor. Bago pa man mapuntahan ang mga opisina ay naabisuhan na ng mga ito ang mga illegal occupants at inilock ang opisina, sinasabing hindi nila alam kung sino ang may hawak nito, ganun din ang opisina mismo ng contractor. May stock room din ang GSD dito pero wala naman ang susi sa taga GSD. Nasaan ang mga susi? GSD maintenance ba talaga ito? Sagot ng contractor nasa pulis daw.


10. POM-COA stock room, hawak ng isang pulis (Bong) ang susi ng stock room na ito at may isang opisina sa loob na naka aircon at bagong renovate. Ito ang repair na ginawa ni ISJ (splitting of contract) at hindi ginagamit as storage room. Ito dapat ang makita ng COA dahil splitting ito. Isang space lang pero tatlong project na halagang 1.8M kada project ang ginawa dito. Yung repair ng ground floor, pangalawa repair ng mezzanine, at pangatlo ay repair ng bubong. 


11. AOCG office (greenlane) sa POM ground floor. Marami ng taga AOCG ang gusto magamit ang silid na ito ngunit hawak ng isang pulis (Bong) ang susi ng opisina na hindi na nagagamit as office ngayon. (ano kaya ang laman ng loob?)
 
12. HR – nagbibilihan ng pwesto (hiring, promotion, re assignment). Sindikato ng overtime pay ay binuwag ni director lejos para itama ang mga maling practices. 

13. Kanino din ba kunektado ang security ng barkong binabantayan ngayon sa manila bay? Captain UFOC, kanino ba ito kunektado? Kay Tanada? Calixto? O sa DOF USEC na kilalang may hawak ng law frat sa DOF-BOC-BIR? Nagbabayad ang BOC ng 351,000 a month sa loob ng mahigit na anim na taon
- (panahon pa ni Com Morales).  Naka kuntrata ang boc sa isang security company para bantayan at alagaan ang barkong ito  (RADIAL) habang nasa proseso ito ng auction. Ang halaga ngayon ng barko ay wala ng 20 million pesos. Ang halaga ng nagastos ng BOC sa pagbabayad sa renta nito mula noon ay lampas na sa 20 Million. Lugi na ang BOC, may nag-iisip pa ba para mai-ayos ito? O habangbuhay na tayong nagbabayad sa security company na ito ng 351K a month. Pinuntahan ni director Lejos ang barko at wala ng navigation system, sira sira na at puro kalawang at ninakaw na ang mga valuable parts nito. Bakit nagtagal sa auction? Ano ang problema? 

14. Ang ALERT ay ang matagal na kumpanya ng janitorial services sa BOC. Kumbaga ay “pader” na ito dahil sa tandem nito kay Babes Calixto. Dapat ito ay bidding. Ayon sa ibang janitorial services na nag bid sa customs, talagang hindi matatalo sa bid ang ALERT dahil ang kinahihinatnan ay lagi itong mababa lang ng konti sa 2nd lowest bidder. Tapos kung minsan ay negotiated bidding pa ito (na hindi dapat). At nung dumating ang reform team puro extended na palagi ang ginagawa ng BOC sa kumpanya ni ALERT. Ang ginawa ni director lejos ay nagpa-bid ito ng maayos at may lumahok na apat na bidders. Sa kasalukuyan ang LBP ang nanalo sa bid. Kahit binabaan pa ng ALERT ang bid nila sa BOC at nilibre pa nila ang janitorial supplies (as in dive na presyo para manalo lang) ay na-disqualified ito dahil sa “delinquency”. Hindi pala binabayaran ng ALERT ang mga contribution ng mga tao nya sa SSS, Philhealth at Pag-ibig. Nagrequest ang IAG sa SSS at Philhealth ng CLEARANCE para ma-confirm kung nagbabayad o nagre-remit ba ang mga kumpanyang sumali sa bid sa nasabing ahensya. Sumagot naman ang SSS at philhealth at sinabing hindi nagbabayad ang ALERT ng contribution ng mga tao nila kahit sa mga pay slip ng mga tao ay may deduction sila. Wala tuloy benefits ang mga hired janitors at hindi na lamang ang mga ito maka reklamo. Ang protector ng ALERT ay si Calixto at si RAQUEL, magkano kaya ang binabayad sa kanila ng ALERT buwan-buwan? Nakikinabang din si ang ISJ Construction sa mga tao ng ALERT dahil para maka tipid ay ginagamit ng ISJ ang mga janitor sa ibang construction works sa BOC (wala naman dagdag na bayad para sa mga janitor). Dahil sa tagal ng kumpanyang ALERT sa BOC, ang mga janitor na ito ay naging bihasa/sanay na rin sa trabahong customs, kaya na-picturan pa nga ang isang utility na unipormado pa ng ALERT na syang humarap sa mga taga DepEd sa Auction ng POM. Ito mismo ang nakikipag-usap sa mga taga DepEd para kotongan ng limang laptop ang taga deped sa utos daw ni atty. Belen. Matatandaan na nag donate ang BOC sa pamumuno ni Com Sevilla ng napakaraming laptops sa DepEd. Bukod sa tagal ng naging proseso at pina-ikot ikot ang mga taga DepEd halos ma-frustrate ang taga depEd dahil kinokotongan pa daw sila ng limang laptop ni atty. Belen. Isinumbong ng depEd kay commissioner ang ginawa ni Atty. Belen na ang ipinapa-kausap sa kanila ay isang utility (janitor).  



PARA SA MGA TAONG NAAPEKTUHAN NG REPORMA NA SA NGAYON AY NAGTUTULONG-TULONG PARA SIRAIN SI DIRECTOR LEJOS:

Mensahe: Lampas isang taon na si Director Lejos sa BOC. Marami syang nakitang maling proseso at maling gawi na ipinipilit nilang itama sa pangunguna ni Depcom Lachica. May nakita ba kayo o nabalitaan na kinasuhan nya? O hinalungkat ang istorya at dokumento para ipamalita sa media?  From “day 1” hindi na tumigil ang mga “bayad na media” sa pagtira kay director Lejos at tinawag at binansagan pa syang “alulod queen” at iba pang napakasakit na mga salita. Pina explain na rin sya ng malacanang pati ng ombudsman pati ng NBI at pati ng DOF. Lumaban ba si Director Lejos? Nag-ere ba ito ng kanyang panig sa media o kahit na saan pang forum? Wala naman pakialam si director lejos sa kung ano ang “past” ng dating adminstrasyon. Ang mahalaga ika nya ay ang “ngayon” at ang “bukas”. Basta baguhin na lang at gawin ang tama. Wala syang planong kasuhan ang mga taong involved sa mga anomaly. Kaya tinatama nya ang mga mali habang hindi nya pinapanagot ang mga may kasalanan. Pero sadyang hindi kayo makuntento. Hindi na lang kayo tumahimik, hindi na nga kayo pinapansin. Binigyan nyo na lang sana ng puwang at daan ang mga pagbabago. Gumastos pa kayo para sa mga bayarang media. Gumamit pa kayo ng bayarang “PR man”, Ito ba ay para panghinaan ng loob at mag resign na lang si Director? Itong mga “PR Man” naman na tuwang tuwa kapag may mga intriga at alitan at siraan sa customs dahil dito sila kumikita hindi ba? Ang hanapbuhay nila ay mag-intriga at pag-away-awayin ang mga taga customs para meron silang regular na delihensya. Hindi nyo alam na babalik sa inyo ang mga ginawa nyong demolition job sa kanya dahil kayo ang dapat ma-imbestigahan.

Tahimik lamang na tinanggap ni Dir. Lejos ang lahat ng tsismis at paninira sa kanya para magawa nya pa rin ang kanyang trabaho. Maraming pagkakataon na ang isang tulad ni director Lejos ay tuluyan ng Nalubog na ng husto sa kumunoy ng BOC. Naging personal na rin para sa kanya ang laban sa corruption sa BOC at kaya hindi na sya marahil maka resign ay dahil sa perception na pag umalis sa BOC ay magmumukha syang guilty at magmukhang pina resign pa ng DOF.  At para namang ganun na lang ba kadali na papanalunin na lang sa PSYWAR at argument ang mga corrupt na naapektuhan ng IAG Reforms.  Noong una na nakakatanggap ang karamihan ng mga TXT brigade na paninira kay director Lejos ay kibit balikat lamang sila at tinatawanan lamang ito. BAka nga totoo, malay natin. Ngunit sa araw araw na ginawa na pagtuligsa at pagbintang, pati na ang pagsangkot sa kanya sa pagbagsak ng mga myembro ng BOCEA sa aptitude exam sa hiring ng BOC at pati na pagkamatay ng isang empleyado ay isisi pa sa kanya at gawan pa sya ng istorya na sobrang kasinungalingan, ay hindi na ito maaaring palampasin pa, at dito nag-umpisa ang “awa” sa kanya, na nagbunsod sa mga may akda nito na sumulat ng isang bukas na liham para sa pangulo.

____________________________________________________________________

Mahal na pangulo, sa kabila ng mga nabanggit na issues, nagtatanong po kami kung hanggang saan ang gusto nyong paglilinis at pagreporma sa BOC. May ginagawa po ba kayong sinserong evaluation sa mga nangyayari sa BOC sa ngayon? Alam nyo po ba na hindi lahat ng pinasok nyo dito na myembro ng ORAM ay matino at nag-aambag para sa reporma? Ang ilan ay namamangka sa dalawang ilog at ang worse tumatara pa. Baka po pwede na ipa-lie detector test nyo ang mga taga ORAM para malaman nyo kung sino ang mga inilagay nyo dito na “hayahay” lamang ang buhay dito sa BOC samantalang ang ibang ORAM na puro sakripisyo at gumagawa ng tama ay bugbog na sa paglibak mula sa kanilang officemates at demolition jobs mula sa mga naapektuhan ng reporma. 

Napakarami pang dapat gawin sa BOC para maisakatuparan ang vision ni commissioner at ng mga bagong staff nya. Ngunit napaka hirap nitong makamit kung ang mga ibang taga ORAM ay kumikita na at hindi na makatanggi sa pera.  Ang ilan sa kanila ay na-impluwensyahan na ng mga old timers. Ang ilan ay nag-apply pa ng plantilla position sa BOC. Ito po ang kaba ng marami, itong mga ORAM na may  ambisyon na manatili pa sa BOC on a permanent basis ay compromised na. Syempre kailangan na nilang mag-umpisang makisama sa mga old timers para naman pag wala ka na mahal na pangulo sa pwesto ay “IN” pa rin sila kung bumalik man ang talamak na corruption sa BOC. 

Mahal na pangulo, May plano po ba kayo na suporta para sa mga legal battle ng mga taga ORAM especially sa mga ilang kolektor at depcom ngayon na apektado ng kung ano anong kaso sa ngalan ng trabahong matuwid na tiyak na dadalhin pa nila at haharapin kahit wala na sila sa BOC?  Sa dinami dami ng mga binabangga at naaapakan ng mga matutuwid na ORAM ay napakalaking pera ang nawala sa mga dating kumikita ng bilyon sa BOC. Sa milyon milyon na nawala sa kanila dahil sa mga istriktong reporma ng iilan, magkanu na lang ang halaga ng buhay ngayon? Ten Thousand Pesos lamang (PhP 10,000.00)?  Tanong ng mga nasa ORAM, is it worth all the sacrifices? Para kanino? Para sa bayan? O para sa pagsunod sa utos nyo mahal naming pangulo?  O para sa interes lamang ng iilan?

Naniniwala po kami mahal na pangulo na hindi lahat ng nasa CPRO ay mga corrupt at masama. Marami sa kanila ang mabubuti at nadamay lamang dahil sa kanilang salary grade kaya nailagay sa CPRO. Marami ang nasa CPRO ang mas karapatdapat pa kesa sa ibang ORAM at sa ibang “tulisan” na empleyado at mga organic na hepe na hindi pa na-CPRO hanggang ngayon dahil malakas sila sa DOF?  Samantalang ang mga taga CPRO na matitino ay nakasuhan ngayon ng “loafing” habang yung hindi naman talaga pumapasok sa office na tulad ni DINO TUAZON ay walang kasong loafing sa ombudsman. Hindi ho ba ang DOF ay sending a mix signal sa mga tauhan nito? Bakit may palakasan mahal na presidente?  Ngayon naman po ay parang nasa microscope ang mga taga CPRO dito sa loob ng BOC mula nung bumalik sila. Bakit naka focus lang sa kanila ang sisi at galit at husga ng madla? Ano ang pinanghahawakan ni Dino Tuazon sa DOF na hindi ito kayang isama sa mga kinasuhan?

Balikan lang po natin ang nakaraan. Para po sa inyong kaalaman mahal na pangulo, maliban po sa mababang sweldo, kawalan ng magandang health benefits, kawalan ng klarong REWARD system at kawalan ng alam sa paggamit ng MOOE as logistical support system sa mga opisina ay may mabigat pang dapat iwasto sa kultura ng taga BOC.  Kapag ikaw ay isang empleyado o isang executive man sa BOC, at nag-iisa ka na gustong gumawa ng tama at habang ang mga kasamahan mo ay gustong magkapera, ay hindi po sya magtatagal sa opisinang yun. Sa BOC po, kapag hindi ka tumanggap ng tara o bribe, una, galit sa iyo ang lahat ng officemates mo, importers, players, at brokers. Ibig sabihin wala kang kaibigan at marami kang kaaway. Pangalawa, dahil hindi ka “team player” or “one of the boys” ay pagkakaisahan ka ng lahat para ikaw ay gawan ng mga istorya at “white paper” at kaso sa ombudsman. Pangatlo, hindi ka tatantanan ng mga legitimate media (na nababayaran din naman) at lalo na ng mga BOC Tabloids at hao shiao media.  Pang-apat, marami kang death threat na matatanggap at bubulabugin pati mga mahal mo sa buhay sa mga banta at harassment. Panglima, hindi ka ma-pu-promote kahit pa anong galing at talino mo. Pang-anim, itatapon ka sa mga pwestong walang kwenta o di kaya ay gagawin kang floating sa mga lugar na malayo sa radar ng mga kasalukuyang may hawak ng pamunuan ng customs. 

Ngayon po, masisisi nyo po ba ang mga nasa CPRO kung bakit ang ilan sa kanila ay nagumon na sa talamak na kalakaran ng corruption? Sistema po ang problema at hindi po kami naniniwala na wala na itong solusyon. Nasa namumuno po ito at matinding political will kung saan bibigyan nyo din po sana ng blanket authority ang aming commissioner para hindi na sya manimbang pa sa mga USEC dyan sa DOF (na may pangsarili ding interes) sa kanyang mga desisyon na ikabubuti naman ng BOC. Bakit po kinakailangan pang dumaan at aprubado ni DOF Secretary ang mga reshuffle ng personnel ng BOC ay hindi naman sila “lapat” at hindi naman kabisado ng mga decision makers ng DOF kung ano ang kongkretong kalagayan at performance ng mga taga BOC. Kaya tuloy malakas ang loob ng mga tulisan sa BOC na hindi sumunod kay commissioner dahil malakas sila at may kapit sa DOF. Sobra tuloy delayed ang agarang pag transfer ng mga may “dero” na personnel at nakakagawa pa ito ng mga cover-up bago pa lumabas ang kanilang CPO. Minsan lang po magkaroon ng matino at hindi tumatanggap ng tara na commissioner ang customs at minsan din lang po magkaroon ng hindi tumatara na chief of staff ni commissioner. Malaking bagay na po ang hindi nila pag tara sa mga decision making at firmness ng OCOM.

Hindi na po namin maiwasan banggitin pa sa inyo ang lahat ng ito dahil sa nakita namin na “unfairness” ng sitwasyon. Bakit na focus ang lahat ng mata at judgement sa mga tao sa CPRO at bakit si Commisoner BIAZON na nagkamal ng limpak limpak na bilyong piso sa BOC ay malayang nagmamalinis sa kanyang kinakalagyan ngayon? Magagawa ba ng mga executive at agents na nasa CPRO ang corruption ng walang basbas ng dating commissioner? Sumusunod lang naman sa kanya ang mga taga CPRO dati, pero ang na bartolina ay sila na lamang ngayon. 

Mahal na pangulo, ang reporma ay makakamit lamang kung uunahin ang pagpriority sa internal na aspeto ng pamunuan at kung lilinisin muna ng BOC ang sarili nitong bubong. Kung maisasaayos ang logistic, finance at support system at makaka abot ang pondo ng BOC (na napaloob sa GAA), hanggang sa mga agents nito sa baba, kung saan sila ay may pang legal ng panggasolina na galing sa BOC sa mga job related operations at may pambili na rin ng on-time na office supplies, ay wala ng dahilan ang mga empleyado ng BOC na makipag – igihan at makipag sabwatan sa mga smugglers. Ginagawa naman ito ng reform team ng IAG ngunit lubhang napakalakas talaga ng “resistance” at iilan lamang sila sa IAG na pilit gumagawa ng tama habang ang karamihan ay ginagawa ang lahat para mabigo ang IAG reform team sa lahat ng gusto nitong mangyaring pagbabago. Mahigit pong dalawang (2) bilyong piso ang budget ng BOC kada taon, saan po ito napupunta? Ang palaging nasisilip ay ang mga agents ng tumatara pero ang nakakaligtaan ng marami ay ang 2 bilyong pondo na tanging taga IAG at OCOM at COA lamang ang nakakaalam.


Naisama po namin ang issue ng CPRO at ORAM sa problema na sinusumbong namin sa inyo hinggil sa IAG anomalies dahil ito po ay kabit-kabit na o sanga-sanga.  Maliban sa recommendasyon ng mga may akda na mag utos po sana kayo mahal naming pangulo na bumuo ng isang “BOC-outsider-3rd-party-investigation-team” na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa admin ng BOC, Baka po ang solusyon din naman ay ang pag-evaluate sa lahat ng ORAM at CPRO people para mai-lagay sa tamang pwesto ang tamang tao na makakatulong sa reporma. Marami ang matitino sa CPRO na sayang po ang kanilang talino at karanasan at kagustuhang gumawa ng tama sa pangalawang pagkakataon kumpara sa mga taga ORAM na binigyan nyo nang tiwala at tall order to reform the BOC ay binibigo pa rin kayo. 


- mga naniniwala na may pag-asa pa ang tunay na reporma sa BOC



Para sa reaksyon, komentaryo at karagdagang impormasyon, mag log-on sa:

tharadimasupil.blogspot.com
Wait while more posts are being loaded