Sitio Bungahan ay matatagpuan sa Brgy. Cabacao Abra de Ilog Occidental Mindoro. Ito ay isang tahimik at mapayapang lugar na kinabibilangan ng iba't ibang uri ng mga kultura ng mga pilipino Tagalog, Ilocano, Bisaya at may mga katutubong Mangyan. Ang mga taong naninirahan dito ay kuntento sa mga biyayang kanlang natatanggap mula sa Maykapal. Halos ang mga taong naninirahan dito ay masisipag at sanay sa mga trabahong bukid at maging ssa kabuhayan ng karagatan.
Kahangahanga rin ang atng mga kapatid na Katutubong Mangyan dahil sa kabila ng kanilang kahirapan nagpapakita sila ng tibay ng loob at pagpupursige sa pag-aaral. Ngunit hindi sapat ang kanilang paghahanap buhay sa bundok. Ang ating mga kapatid na Katutubo ay ang mga nasa laylayan ng lipunan sa Sitio Bungahan na higit nangangailangan ng tlong at suporta mula sa ating pamahalaan. Ang 4Ps ay hindi sapat sa kanlang pangangailanagn maging ng mga kasipi nito ang higit nilang kailangan ay ang pangmatagalang sulosyong sa kanlang kalagayan.
Wait while more posts are being loaded