Profile cover photo
Profile photo
William Rodriguez
9 followers
9 followers
About
William's posts

Post has attachment
Multo ng Alaala
Mahal, matulog ka sa gabing payapa Habang nalulumbay itong diwa Sa buhay ko ay sadyang walang himala 'Pagkat mata ng puso'y kinukulaba.   Malalim na ang pagbalatay ng gabi Lumalatay nang husto sa guni-guni Bakit kapanglawan ang namumunini Ang ibong asul pat...

Post has attachment
Mga Bulag Kayong Maraming Mata
Mga bulag kayong maraming mga mata Na samu't saring bagay ang nakikita Isip at dila ninyo'y merong mahika Nakahahabi ng sinulsing istorya.   Naglalagos ang nag-aapoy na tingin Habang dumadampi mainit na hangin Ito ba'y lalang ng mundong malikhain Binobosoha...

Post has attachment
Lupang Ina Mo!
O, bayang   na sa dusa at hirap Mabigat na krus nakapasan sa balikat Pag-asa't kaliwanagan 'di mahagilap Baliktarin man, pula't asul na watawat.   Araw na dumadaa'y gabi't pamamanglaw Ang lambong ng ulap pakapal ng pakapal Kahit saan walang ningning na maan...

Post has attachment
Ang Daming Kulang
Patuloy ang pag-inog ng mundo Paikot-ikot, nakakahilo May lumalakd, may tumatakbo May naiiwan, may nakapreno Kanya-kanya tayo ng konsepto.   Walang hanggan ang ating pag-asam Maraming bagay ibig makamtan 'Di makasulong at nababalam Nakamulagat ang kahirapan...

Post has attachment
Ang Dilim at Liwanag ng Pag-ibig
Tulad ng buwan at araw Ang pag-ibig ay nagbibigay-tanglaw Upang sa sanga-sangang landas ay 'di maligaw Mga pusong naghahanap ng pag-ibig Sa mundong mapanglaw at kay ligalig May sulong sa kadilima'y nagniningas Na tila ba 'di mauubusan ng gaas Akala natin 'd...

Post has attachment
Ang Sundang Ko ay Ikaw
Mahal, kaisntaklas ka ng sundang Na walang tetano at kalawang Ang tulad mo ay walang pagkakupas Lalong nahahasa sa bawat oras.   Araw-gabi kita'y baon-baon Tulad ng kutsilyong pamproteksyon 'Pagkat ikaw ang aking kalasag Sa bawat panganib 'di matitinag.   M...

Post has attachment
Sa Pagitan ng Hininga
Wala nang tatamis pa sa halik mo, mahal Mas matamis pa sa pukyutan at asukal Kapag nalalasap ako'y natitigagal Puro halik na lang at wala nang mausal.   Sa t'wing naglalapat ang ating mga labi Kadiliman ng paligid ay nahahawi Ibig kong manatili't h'wag nang...

Post has attachment
Sa Araw ng Kasal
Itong oras ng pagsasanib ng liwanag Ng mga pusong sa pag-ibig nagliyab Dito ay walang puwang ang kadiliman May silahis ng araw na nasa likuran.   Ito ang panahon ng pakikipagtiyap Patungo sa landas ng maayang ulap Pakikipag-ulayaw nitonbg buntala Sa dalawan...

Post has attachment
Isang Pagbaling
Ibig kong malango sa alak ng paglimot Habang ang lamig ng gabi ay nanunuot Masuyo mong titig h'wag sanang ipagdamot 'Pagkat sa puso ay sumisidhi ang kirot.   Halika na itong kalungkutan ay hugasan Isang baldeng tubig ibuhos sa ulunan Nang magising natutulog...

Post has attachment
Kuya
Huwag, huwag mo akong tawaging kuya 'Pagkat ama't ina nati'y magkaiba Ngunit dugo mo't dugo ko puwedeng maging isa Kapag kapwa puso nati'y pinagsama.   Ah, tayong dalawa ay 'di magkapatid Hungkag na paggalang dapat lang mapatid Isipan mo sana huwag maging m...
Wait while more posts are being loaded