Profile

Cover photo
BUKANG LIWAYWAY
1 follower|1,351 views
AboutPostsPhotosVideos

Stream

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
hi
1
Add a comment...

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
Ang Pilipinas sa Taong 2020
Ni Michael D. Saudan

Animo’y ‘sang kisapmata
Na kay bilis na nawala.
Ang buhay ko’t buhay n’ya’y
Nabatbat ng pagtataka.

2020 na nga pala
Ni hindi ko namalayan.
Paligid ay ibang-iba,
Ni hindi ko masabayan.

Ngayo’y aking ibibida
Mga naging kaganapan,
Sa panahon ng makina
At ng mga kabaliwan.

Mundo ngayon ay iba na,
Marami na ang nagbago
Hindi tulad noong una,
Na buhay ay komplikado.

Nangagkalat na ang robot
Saan ka man maparoon,
At halos wala nang saplot
Nakalabas pa ang pusod.

Di mapigilang pag-unlad
Ngayong taon ay laganap.
Para lang ‘sang pangarap
Na bigla na lang natupad.

Dahil doo’y naging tamad
Tao’y hindi makausad.
Iniasa na ang lahat
Sa makinang nakahubad.

Hindi mawari kung saan
Dadalhin ng kapalaran,
Ang ating bansang naluray
Ng dusa at kahirapan.

Ang 2020’y panahon
Ng pagbabago’t pagbangon.
Ito’y gamiting mabuti,
Kaunlara’y mangyayari.

Sa huli’y tayo pa rin
Ang tutupad ng mithiin
Lahat ay kayang abutin
Pag puso’y bubuksan natin.
 ·  Translate
1
Add a comment...

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
Magkasalungat
Ni Michael D. Saudan

Sa pagbubukang-liwayway,hanggang sa muling pagdilim,
Sa pagganda ng panahon, hanggang sa pangungulimlim,
Sa iyong pagpapaalam, hanggang sa muling pagdating,
Para bang palaisipan na may tinatagong lihim.

Bumibilis, bumabagal, lumalakas, humuhupa,
Ang bago’y nagiging luma, ang maikli’y humahaba,
Ang maliit lumalaki, ang mabango’y bumabaho,
Ang lahat magkasalungat ngunit parang konektado.

Umaalis, bumabalik, ngumingiti’t tumatawa,
Umaayaw, tumutuloy, umuuwi, sumasama.
Lumalambot, tumitigas, lumalakas, naghihina,
Ano nga bang kahulugan, ng mga pagkakaiba?

Bumubuo’t gumigiba, lumilitaw, nawawala,
Tumataas, bumababa,umuula’t tumitila!
Umuukol, bumubukol, namamali’t tumatama,
Ikaw ba ay pagpapala, o isang malaking sumpa?

Sa rurok ba ng ligaya, o sa kahihiya’t dusa?
Ewan ko kung saan, ikaw, nakapili ka na ba?
Magkasalungat na daan, sa kanan ba o sa kaliwa?
Basta!... hindi ko pa alam…na sa ‘yo ang pagpapasya.

Kung minsan, ang buhay nati’y magkasalungat.
Nalilito sa pagpili kung anong karapatdapat.
Sa tama ba o sa mali, sa itaas ba o ibaba?
Mag-ingat katoto na sa ‘yo pa rin ang huling pasya.
 ·  Translate
1
Add a comment...

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
Param
Ni Michael D. Saudan

Bakit nga ba kung sino pa ang taong minahal mo ng sobra,
Ay siya pang nagiging dahilan upang mabigo’t masaktan ka.
Na sa kabila ng ‘yong mga sakripisyong ipinakita,
Ni hindi niya maramdaman pagkat nakapikit ang mata n’ya.

Mahirap magmahal sa taong kaylanma’y hindi ka minahal.
Para ka lang namamangka sa tuyong ilog ng katangahan.
Hindi ka na nga umuusad, ikaw pa’y pinagtatawanan,
Ng mga taong mapanlibak at hindi ka maunawaan.

Hindi mo siya mapipilit na sabihin niyang “Mahal kita!”,
Lalo na’t kung hindi ito ang nararamdaman ng puso n’ya.
Mas mabuti pang malaman mo na hindi ka n’ya sinisinta,
Kaysa malaman mo sa iba, na siya’y sakal na sakal na.

Madali lang s’yang kalimutan kung tuturuan mo ang puso.
Iwaglit mo s’ya sa ‘yong isip kahit ang puso’y nagdurugo.
Simutin mo man ang ‘yong luha’y di mo pa rin maililiko,
Ang kaniyang pagtingin para lamang sa’yong mga pangako.

Oo, mahal mo siya pero ang tanong, mahal ka ba niya?
Oo’t sinabi n’yang mahal ka nya pero sigurado ka ba?
Minsan kasi, hindi mo ramdam na nagpapakatanga ka na,
Kapag ang iyong puso’y manhid, naparam, at naging bato na.

Ganito nga yata pag mahal mo ang taong hindi ka mahal.
Gagawin mo ang lahat kahit pa magdusa ka at masaktan.
Makakayang magpakatanga kahit ang puso’y sugatan,
Madulutan lamang ng ngiti ang katulad niyang salawahan.
 ·  Translate
1
Add a comment...
Have them in circles
1 person
Jimboy Pamenano's profile photo

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
this is me.., michael saudan
1
Add a comment...

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
Pagpapakasakit
Ni Michael Saudan

Aling pag-ibig kaya ang mas nakahihigit?
Sa pagpapakatanga at pagpapakasakit
Para sa isang taong tapat na iniibig,
At pinag-aalayan ng daigdig.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi masusukat
Sa ‘sang huwad na ginto at kalawanging pilak
Ni hindi mahahanap sa lakang nagpapanggap
Kundi nananalaytay sa luhang pumapatak.

Kapag ang iyong puso’y natuto nang magmahal
Hindi mapipigilang ika’y magpakahangal.
Iaalay ang lahat buhay pati dangal,
Para lamang sa kanyang tunay mong minamahal.

Ang bawat sandali na iginuhit sa palad,
Nadarama ng puso ay langit ang katulad,
Ngunit pa’no kung siya ay hindi naging tapat,
Magagawa pa kayang pag-ibig’y ipaglaban?

Mga katoto, payo ko’y inyong pakinggan.
Nang ‘di mo maranasan sakit ng kabiguan.
Minsan na ring umibig ang aking pusong hangal
Sa isang taong manhid at walang pakialam.

Pag nagmahal ka huwag mong ibigay ang lahat.
Dapat iyong tama lang at sa tingin mo’y sapat.
Pagkat ‘pag s’ya’y nawalat hindi mo na masipat,
Ika’y masasaktan at puso’y parang sinibat.

Kung nararamdaman mong napapagod na siya,
Hayaan mo muna s’yang lumayo’t mapag-isa.
Nang s’ya’y makapag-isip at nang makapagpasya
Kung ang inyong pag-ibig, ipagpapatuloy pa.

Ngunit gayunpama’y ipakita mo ang lahat
Ng iyong pagmamahal at mga pagsisikap
Ipakita mong ikaw ang karapatdapat
Sa kaniyang pag-ibig na ‘yong pinapangarap.

Kung minsa’y kailangan nating magpakababa,
Upang ang sinseridad ay kaniyang madama.
Paa’y panatilihing nakatapak sa lupa,
Nang magkabilang dulo’y palaging magkatugma.

Ilan lamang ito sa mga dapat nating gawin.
Upang pagmamahala’y palagi ninyong angkin
Sakaling dumating ang sanlibong tiisin,
Mananatiling buhay ang inyong paglalambing.
 ·  Translate
1
Add a comment...

BUKANG LIWAYWAY

Shared publicly  - 
 
Noon, Ngayon at Bukas
Ni Michael “Kerosimu Takama” Saudan

I
Noon, ngayo’t, bukas ay aking pangako,
Ako’y laging tapat sa aking pagsuyo.
Pagkat tanging ikaw ang aking pintuho
At s’yang nilalaman nitong aking puso.

Mayro’n mang pagsubok sa aking daan,
Pilit babagtasin ang ating tagpuan.
Pagkat dun nabuo an gating sumpaang,
Ako’y sa iyo, at ika’y akin lamang.

Kahit hanggang ngayo’y sariwa pa sa isip,
Kahapong kay saya’t kahapong kay tamis.
Kung pa’nong tinutlan ang ating pag-ibig,
At pa’nong lumaban sa dusa’t ligalig.

Katulad mo noo’y bituin sa langit.
Na di maaabot anuman ang pilit,
Na sa taong tulad ko’y di maaakit,
at ang ibigin ka’y katumbas ang sakit.

Samantalang ako’y isang simpleng tao
Anak-dalita at panira sa mundo.
Na maging sa buhay hanggang sa husgado,
Laging sinisino at parating talo.

II
Ngunit gayunpama’y hindi nagpasindak,
Pag-big ko sayo’y aking isiniwalat.
Kahit mga tao sa aki’y nangusap,
Sa katotohanan mata ko’y imulat.

Marahil sya’y baliw, sa akin pa’y sabi,
Na ang pinasko ko’y problemang kay laki!
Na kahit kailanma’y hindi mangyayari
Ang aking ilusyong tila imposible.

Ngunit laking tuwa nang aking malaman,
Na ang ating puso’y iisa ang laman
Puso’y lumigaya’t nawala ang hadlang
Sa ating matamis na pag-iibigan.

Sumunod na araw’y batbat ng ligaya,
Tayo ay masaya’t mundo’y bahala na!
Na kahit taliwas sa’tin ang tadhana
Hindi magtataas ng puting bandera

Ngunit hindi pala ganoon kadali
Pag-ibig nati ay laging may sakali.
Paano ang bukas kung ‘kay maiuwi,
makakaya mo bang magtiis parati?
III
Lahat ng bagay ay ‘sang malaking tanong.
Pa’no kaya kung matuyuan ng balong?
Ang ating bukas ay sa’n kaya hahantong?
‘Kay di matitiis manimot ng tutong.

Maging ang tadhana ay di sang-ayon.
Sa’ting pag-ibig na wala sa panahon
hindi nagpaawat ating mga pusong,
Sa unos ng bukas ay handang bumalong.

Subalit sadyang kay lupit ng tadhana,
Pilit na nilayo aking minumutya.
Matapos matanggap mga upasala,
Ika’y inilayo’t ang puso’y nagbata.

Sumunod na araw’y tigib ng luha.
‘Ko’y walang karamay kundi pusong may sala.
Lahat ay nagbalik sa aking gunita,
Dusa ang napala ng pusong makata.

Lunday ng pangarap saan tutungo?
Hindi mapagkabit magkabilang dulo.
Baon ang pait ng kahapong naglaho,
Nasabik sa tamis ng iyong pagsuyo.

IV
Aking isinumpa sa Poong Maykapal,
Sa’n man naroroon, kita pa ri’y mahal,
Buhok ma’y pumuti sa ‘king paghihintay,
Wagas na pag-ibig ang baon sa hukay.

Hanggang kaylan dala ng puso ang sakit?
Ang sagot ng langit sana ay malirip.
Sana ay matapos na itong paghibik,
Bago pa tuluyang hininga’y mapatid.

Sampung taong wala sa aking kandungan,
Gumuhong bantayog, pighating himlayan.
Ang buhay ko sinta’y walang kahulugan,
Kung wala sa piling mo’t di namamasdan.

Marahil panahon na upang tapusin,
Ang buhay kong tila punong walang lilim.
Tanikalang ginapos sa’king damdamin,
Wawasaki’t isip ang paiiralin.

Ako ay nanlata’t dumilim ang isip,
Ang aking dibdib, tuluyang nanikip.
Hindi mawari ng puso ang sakit,
Paglaya ang tanging nasa aking isip.

V
Bago pa tuluyang sa maundo’y maglaho,
At puso’y malunod sa’king pagkabigo.
Sapin-saping luha sa mata’y tumulo,
Papatak sa sulat na puro hinampo.

Sulat na simbolo ng aking pag-ibig,
Binaon sa lupang sa luha ay dilig.

At kung maisipang doo ay magbalik,
Mapatutunayang tapat sa’yo ibig.

Baong patalim, sa puso’y itatarak,
Upang mapadaling puso’y masadlak,
Sa kawalang lunas at siya ring hanap,
Kahit pa ang mata sa luha’y tigmak.

Kumapal ang ulap, dumilim ang langit,
Animo’y karamay ng pusong kay sakit.
Bumuhos ang ulan, ang hangi’y umihip,
Wagas na pag-ibig sana ay malirip.

Ngayon ay wala na talagang pag-asa,
kanyang pagbabalik ay isang himala,
Katawa’y nanlamig, parang matutumba,
Sa gagawin kong ‘to, D’yos ay bahala na.

VI
Patalim’y tinapat sa harap ng puso,
Mata’y lumuha’t dibdib’y nagdurugo.
Tanging ikaw sinta ang makakahinto,
Sa pighating bunga ng pagkabigo.

Sa mga panahong sa piling ko’y wala,
Mahal ng puso kong aking minumutya.
Ang buhay kong ito, ngayo’y napithaya,
Sa langit sinta ko, muling magkikita.

Ngunit natauhan ang pusong ligalig.
Nang aking marinig malamyos mong tinig.
Puso ko’y sumigla’t tinangkang tumindig,
Kahit pa katawan ko ay nanginginig.

Sa wakas namalas kong muli ang mukha
Ng sinisita kong hiling kay Bathala.
Ngayo’y maaari na akong mawala,
Sa piling mo sinta, ligaya’y kawasa.

Biglang nagliwanag ang aking paligid,
Tumila ang ulan, ang hangi’y humimig,
Sa iyong pagyakap, luha ko’y nangilid,
Ang ‘yong bukambibig, wagas na pag-ibig.

Ngayon ay hindi na mapaghihiwalay,
Ating mga pusong sinubok ng lumbay.
Tanging kamatayan ang nakakaalam.
Kung sa’n magwawakas ang ating sumpaan.

Noon, ngayo’t bukas ay ating pangako,
Na tayo ay sa ating pagsuyo.
Marami mang hadlang, tayo ma’y mabigo,
Wagas na pag-ibig ang sigaw ng puso.
 ·  Translate
2
Add a comment...
People
Have them in circles
1 person
Jimboy Pamenano's profile photo
Contact Information
Contact info
Phone
09469323537
Email
Story
Tagline
approachable, helpful, sumusuri sa mga panitiking pilipino