Profile cover photo
Profile photo
Pandayan Bookshop
129 followers -
Kabalikat sa Pag-aaral
Kabalikat sa Pag-aaral

129 followers
About
Posts

Post has attachment
Mabuhay! Sa mga taga-Baguio diyan, iniimbitahan namin kayo sa local recruitment activity ngayong May 4. :)
Photo
Add a comment...

Post has attachment
Check out this video on YouTube:
Add a comment...

Post has attachment
Add a comment...

Post has attachment
Pandayan Paso de Blas
Valenzuela City
Photo
Add a comment...

Post has attachment
Sa Maisan

Ang tula ay malayang pagsalin ni Jun Cabochan sa tulang “In Flanders Fields” na sinulat ni Lieut.-Col. John McCrae. Namatay siya sa digmaan noong January 28, 1918.

Sa maisan umiihip ang damo
sa pagitan ng mga lapida,
mga tanda ng aming dugo 
Sa itaas, lumilipad ang mga ibon, 
patuloy sa pag-awit
Halos di madinig sa gitna ng putukan

Kami ang mga patay 
Kailan lamang ay buhay kami
Dama ang bukang-liwayway, 
Tanaw ang tanglaw ng lumulubog na araw
Nagmamahal at minamahal
Ngayon, nakaratay kami sa maisan

Ipagpatuloy ang aming laban
para sa kapayapaan
Mula sa mga namamanhid na kamay
ipapasa sa iyo ang sulo
Sa iyo na ito para iwagayway
Kapag sumira ka sa ating sumpaan
Di kami matatahimik, kahit pa
Kumakalat ang damo sa maisan

Photo Source: philstar.com
Photo
Add a comment...

Post has attachment
Mga Alituntunin ng Paligsahan:

1. Ang tema ng paligsahan sa paggawa ng poster ay "Ugaling Pilipino, Ugaling Kahanga-hanga". 

2. May dalawang katergorya para sa mga nais lumahok ng paligsahan. Una, Kategorya ng Mababang Paaralan, ang mga mag-aaral mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang ang maaaring lumahok (Grade 4, Grade 5 at Grade 6). Sa ikalawa, Kategorya ng Mataas na Paaralan, ang mga mag-aaral mula sa lahat ng antas ng Mataas na Paaralan ang maaaring lumahok (Grade 7, Grade 8, Grade 9 at Grade 10 (4th Year High School)). Ang mag-aaral na nais lumahok ay dapat na kasalukuyang nakatala ang kanyang pangalan sa paaralan sakop ng taong 2014-2015. 

3. Ang pasado sa kwalipikasyon ay kailangang magpatala simula sa Enero 15, 2015 hanggang Pebrero 25, 2015 sa pinakamalapit na sangay ng Pandayan Bookshop. Ang pagpapatala ay limampung piso (P50.00). Kailangan pong magdala ng school ID na may larawan at anumang pagpapatunay na ang nais lumahok ay kasalukuyang nakatala ang pangalan sa paaralan na kanyang kinabibilangan. 

4. Ang oras at araw ng paligsahan ay sa: 

Araw : Ika-28 ng Pebrero, 2015 (Sabado)
Lugar : Bulacan Provincial Capitol Gym, Malolos City
Oras : 8:30 a.m. - 9:30 a.m. - Paglilista ng mga dumalo at nakatalang kalahok
9:30 a.m. - 10:00 a.m. - Maikling pagpapaliwanag ukol sa paligsahan
10:00 a.m. - 12:00 noon - Oras ng paligsahan 
2:30 p.m. - Parangal para sa mga nagwagi
3:00 p.m. - 5:00 p.m. - Pagtatanghal ng mga nagwaging likhang sining 

5. Ang kalahok ay kailangang magdala ng sariling gamit para sa naturang paligsahan gaya ng oil pastel, artist brush, marker, pencil, correction fluid atbp. gamit na kailangan sa paligsahan. Ang likhang sining ng kalahok ay ilalapat ng pahalang sa isang 10” x 15” (1/8) illustration board na sasagutin ng Pandayan Bookshop, Inc. Paalala na ang OIL PASTEL ang pangunahing gamit ng mga kalahok sa pagkukulay ng kanilang mga likha.

6. Ang tema ng paligsahan sa paggawa ng poster ay "Ugaling Pilipino, Ugaling Kahanga-hanga". Ang kalahok sa paligsahan ay maaaring pumili ng isang magandang ugali ng Pilipino para ilarawan sa kanyang likhang sining na gagawin ng aktuwal sa oras, araw at lugar na nabanggit sa loob ng dalawang oras lamang.

7. Ang Pandayan Bookshop, Inc. ang magtatalaga ng numero sa bawat likha ng mga kalahok. Walang pangalan, pirma o anupamang pagkakakilanlan ang maaaring lumitaw saanmang bahagi ng gagamiting illustration board.

8. Ang batayan sa pagpili ng magwawagi ay:

Pagkaorihinal at Pagkamalikhain (60%). Ano ang pangunahing ideya ng likhang sining? Gaano ito kabago at naiiba sa lahat? Paano ang paggamit at paglalapat ng materyales sa pinakamalikhaing paraan para ipakita ang orihinal na kaisipan ng lumikha?

Kaugnayan sa Tema (30%). Husay ng pagpapahayag at pag-uugnay sa Ugaling Pilipino, Ugaling Kahanga-hanga. Paano ipinakita ng kalahok sa kanyang likha ang mabuting ugali ng isang Pilipino at paano ito magbibigay inspirasyon sa sinumang makakakita nito?

Kalinisan ng Likhang Sining (10%). Ano ang kabuuang kinalabasan ng likha? 

8. Ang magwawagi sa bawat kategorya (Mataas at Mababang Paaralan) ay tatanggap ng:

Unang Pwesto P5,000.00 at Gold Medal (Mataas at Mababang Paaralan)
Ikalawang Pwesto P3,000.00 at Silver Medal (Mataas at Mababang Paaralan)
Ikatlong Pwesto P2,000.00 at Bronze Medal (Mataas at Mababang Paaralan)

*Maglalaan ang Pandayan Bookshop, Inc. ng gift packs at katibayan ng kahusayan para sa mapipiling 10 finalists mula sa Mataas at Mababang Paaralan.

9. Ang lahat ng mga mananalo at hindi mananalong likha ay magiging pag-aari ng Pandayan Bookshop. 

10. Ang mga napiling likha ay ilalahad sa lahat ng sangay ng Pandayan Bookshop at sa website nito. 

11. Hindi pinahihintulutan ang paglahok ng kamag-anak ng sinuman sa mga Kapwa Panday. 

12. Para sa mga paglilinaw, maaaring dumulog sa Store Executive at Assistant Store Executive ng Pandayan Bookshop na pinakamalapit sa inyong lugar.
Add a comment...

Post has attachment
Add a comment...

Post has attachment

Post has attachment

Post has attachment
Wait while more posts are being loaded